!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
Narco cop list, nananatiling credible — Palasyo
By Alvin Baltazar - February 18, 2020 , 12:14 pm

Iginiit ng Malacañang na credible pa rin ang listahan ng narco-cops na isinapubliko kamakailan ng Philippine National Police (PNP) at ng Department of the Interior and Local Government (DILG).

Ito ay sa kabila nang pagkwestiyon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagkakasama ni Police Col. Jovie Espenido.

Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Salvador Panelo, laging ang presumption ay credible ang listahan maliban na lang kung may ilalabas na ebidensiya ang isinasangkot na ito ay sinisiraan lamang.

Ayon kay Panelo malaya naman ang DILG at PNP na i-validate ang pagkakasama ni Espenido sa naturang listahan.

Kung may maipe-presentang patunay na sangkot umano si Espenido sa kalakaran ng iligal na droga ay siguradong magbabago ang posisyon ng Pangulo sa usaping ito.

Subalit sa ngayon sinabi ng kalihim na naniniwala si Pangulong Duterte na ‘black propaganda’ lamang ang pagkakasama ni Espenido sa narco-cops list para sirain ang reputasyon nito.

Kung maaalala, naging kontrobersiyal si Espenido matapos pangunahan ang madudugong drug operation na ikinamatay ni Albuera Leyte Mayor Rolando Espinosa noong 2016 at Ozamiz City Mayor Reynaldo Parojinog at 14 na iba pa noong 2017.

YOU MIGHT ALSO LIKE
PH receives new sets of COVID-19 testing kits and ventilators from Singapore
March 28, 2020