Natitirang obligasyon sa contractors at suppliers ng gov’t projects, dapat nang bayaran — Rep Fernando
By Kathleen Forbes - February 26, 2021 , 9:12 pm

Pinakikilos ni Deputy Minority Leader at Marikina Representative Bayani Fernando ang pamahalaan, na bayaran na ang natitirang obligasyon sa contractors at suppliers ng government projects.

Ayon kay Fernando, bilyong piso pa ang balanse na dapat mabayaran ng gobyerno matapos tumama ang COVID-19 pandemic.

Bunsod naman ng delay ng disbursement of payments sa contracting firms, ay nagresulta aniya ito sa pagbabawas ng mga tauhan at pagsasara ng mga kumpanya.

Dagdag pa ng mambabatas, kung hindi pa ito mabayaran ay tiyak na tataas pa ang pinansyal na pananagutan ng gobyerno sa 2020.

Ayon sa Commission on Audit (COA) report, noong 2019 ay may P127.9 billion na financial liabilities ang sampung ahensya ng gobyerno para sa mga kinuhang goods at services, habang P53.2 billion naman na security deposits ang hindi ibinigay sa mga supplier at contractors.

YOU MIGHT ALSO LIKE