NCR at ilan pang mga lugar ng bansa, mananatili sa GCQ sa buong buwan ng Marso — Palasyo
By Alvin Baltazar - February 27, 2021 , 10:42 am

Bukod sa Metro Manila, mananatili ang Baguio City at Davao City sa General Community Quarantine (GCQ) para sa buong buwan ng Marso.

Sa anunsyo ni Presidential Spokesperson Harry Roque, kasama rin sa mananatiling GCQ ang Batangas at ilang lugar ng Cordillera Administrative Region gaya ng Apayao, Kalinga, at Mountain Province.

GCQ din ang Tacloban City sa bahagi ng Visayas gayundin ang Iligan City, at Lanao del Sur sa area ng Mindanao.

Otomatiko namang under Modified General Community Quarantine (MGCQ) ang mga hindi na nabanggit na lugar.

Ang nasabing risk-level classifications ay magkakabisa simula sa Lunes, March 1 hanggang March 31, 2021.

YOU MIGHT ALSO LIKE