!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
OCD XI, siniguro ang maayos na proseso sa relief ops sa mga naapektuhan ng lindol sa Davao del Sur
By Macel Mamon Dasalla | RP1 Davao - November 8, 2019 , 3:13 pm

Siniguro ngayon ng Office of Civil Defense XI ang tamang proseso sa relief operations nito, maging ang mabisang pamamahagi ng tulong at serbisyo para sa mga tinamaan ng lindol sa Davao del Sur.

Ayon kay Office of Civil Defense (OCD)-XI Regional Director Manuel Luis Ocotorena, nakapagbigay na ang OCD XI ng P11,618,710.00 na halaga ng iba’t ibang assistance, tulad ng tarpaulins, shelter repair kits, cash assistance, family packs, at shelter kits.

Dagdag ni Ochotorena, P1.5-million din ang inilaang quick response funds para sa emergency purchases, financial assistance, at quick response operations.

Mula November 4, nagdeploy na rin ang OCD-XI ng tatlong Damage Assessment and Needs Analysis (DANA) teams sa mga bayan ng Matanao, Magsaysay at Bansalan sa Davao del Sur.

Umaasa naman si Ochotorena na makukumpleto ang assessment ng DANA team sa araw na ito, November 8, upang magamit ang datos para sa maayos na koordinasyon sa pamamahagi ng donasyon sa mga apektadong lugar.

May kabuuang 718,713 na pamilya o 2,874,852 katao ang naapektuhan ng magkasunod na lindol sa mga probinsya ng Davao Del Sur, Davao Occidental at Davao City.

YOU MIGHT ALSO LIKE