!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
OFWs sa Hong Kong, pinag-iingat ng DOLE
By Jesson Tamondong - October 9, 2019 , 4:29 pm

Pinag-iingat ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang lahat ng Overseas Filipino Workers (OFWs) sa Hong Kong dahil mas umiigting ang protesta ng mga taga-Hong Kong kontra China.

Ayon kay DOLE Secretary Silvestre Bello III, nakatanggap sila ng mga panibagong report ukol sa mga protesta na nagresulta sa pagtigil ng ilang transport services at mga negosyo.

Kaugnay nito, ay inaabisuhan nila ang lahat ng OFWs sa Hong Kong na manatili muna sa loob ng kanilang mga tinitirahan at iwasang puntahan ang mga lugar na pinagdadausan ng mga protesta.

Tiniyak naman ng ahensya na imomonitor nila ang mga nangyayari sa Hong Kong.

Sa pinakahuling abiso ng Philippine Consulate General sa Hong Kong, magkakaroon ng kilos protesta sa mga nasabing lugar:

10 October: Tsim Sha Tsui Police Station

12 October: New Town Plaza Shatin

13 October: Victoria Park and Edinburgh Place

14 October: Edinburgh Place and Chater Garden

16 October: Resumption of Legislative Council

20 October: The Riverpark Tai Wai to Shatin

21 October: Yuen Long MTR Station

26 October: Tamar Park Admiralty

31 October: Prince Edward MTR Station

Inaabisuhan din ni Bello ang OFWs na iwasang magsuot ng kulay itim o puting damit habang nasa kalsada upang hindi mapagbintangang raliyista.

YOU MIGHT ALSO LIKE