!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
Olympic Council for Asia VP Wei Jizhong, hanga sa hosting ng bansa sa SEAG 2019
By Merry Ann Bastasa - December 3, 2019 , 8:21 am

Bumilib si Olympic Council for Asia Vice Presisdent Wei Jizhong sa kasalukuyang hosting ng Pilipinas ng 30th South East Asian Games.

Mula sa logo na bitbit ang mensaheng “We Win as One,” hanggang sa opening ceremony, pinuri ni Jizhong ang kakayahan ng Pilipinas na mag organisa ng isa sa pinakamalaking sports competition sa Asya.

Sa opening ng SEA games, nasaksihan rin aniya ang masaya at magiliw na pagtanggap ng Pilipinas sa lahat ng atletang kalahok ng SEA games.

PANOORIN | Olympic Council of Asia (OCA) Wei Jizhong, humanga din sa pagpapakumbaba ni Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (PHISGOC) Chair at House Speaker Alan Peter Cayetano kaugnay ng mga aberya sa simula ng SEA Games. Aniya, normal lang ang mga isyu at problema sa kahit anong sports competition. | via Merry Ann Bastasa

Posted by Radyo Pilipinas on Sunday, 1 December 2019

Nagpahayag rin ng paghanga si Jizhong sa pagpapakumbaba at paghingi ng tawad ni Philippine South East Asian Games Organizing Committee (Phisgoc) Chair, House Speaker Alan Peter Cayetano kaugnay ng mga aberya sa pagsisimula ng SEA games.

Ayon sa kanya, normal lang ang mga nangyayaring gusot at isyu sa isang sporting event. Katunayan, ito nga raw ang unang beses na nakakita siya ng isang mataas na opsiyal na humingi ng dispensa ukol rito.

Para kay Jizhong, ang paghingi ng paumanhin ni Cayetano ay indikasyon ng kagustuhan ng Pilipinas na magbigay ng maayos na serbisyo sa lahat ng mga atleta.

YOU MIGHT ALSO LIKE