Online Undas, alok ng CBCP sa publiko
By Lorenz Tanjoco - October 14, 2021 , 8:53 pm

Sinabi ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) na muli nilang bubuksan ang “Undas Online” para sa mga hindi makadadalo nang personal sa mga sementeryo.

Ayon kay Fr. Jerome Secillano, CBCP Secretary of the Permanent Committee on Public Affairs – ang Undas Online na inihanda ng CBCP Media Office ay para doon sa mga tao na hindi makakabisita sa mga sementeryo.

Sa pamamagitan aniya ng Undas Online ay makakapag-offer sila ng misa para sa mga yumaong mahal sa buhay.

Noong nakaraang taon, inilunsad din ng CBCP ang Undas Online kung saan makapagdarasal ang mga indibidwal sa kanilang mga nasawing kaanak.

Dapat aniyang maintindihan ng tao na may hinaharap na isyu pang kalusugan ang Pilipinas kaya kailangan tanggapin ang katotohanan na mas malaki ang tsansa na mahawa ng COVID sa mga lugar kung saan may mga public gatherings.

YOU MIGHT ALSO LIKE