!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
PACC, dapat tumigil sa pag-iimbestiga kaugnay ng GCTA — Malacañang
By Alvin Baltazar - September 11, 2019 , 12:03 pm

Naniniwala ang Malacañang na hindi na dapat pang gumawa ng imbestigasyon ang Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) tungkol sa Good Conduct Time Allowance o GCTA.

Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel at Spokesperson Salvador Panelo, sapat na ang Ombudsman para siyang magsagawa ng pagsisiyasat sa kontrobersiya.

Ito naman aniya ang constitutional body na may mandatong mag-imbestiga, kaya’t dapat lang na itigil na ng alinmang ahensya ang pagsisiyasat tungkol sa isyu ng GCTA.

Dagdag ni Panelo, hindi na nangangailangan pang mag-isyu ng kautusan si Pangulong Rodrigo Duterte para sabihan ang PACC na itigil na nito ang pag-iimbestiga, gayung dapat ay alam na ito ng PACC.

Una nang nanawagan si Ombudsman Samuel Martirez sa PACC na kung maaari’y huwag nang magsagawa ng sarili nitong pagsisiyasat, sa pangambang magkakaroon ng tinatawag na “conflicting result”, bukod pa sa ginagawang imbestigasyon ng Senado hinggil sa GCTA.

YOU MIGHT ALSO LIKE