!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
PACC, hihingin ang mga ebidensiyang hawak ni PCSO Board member Sandra Cam hinggil sa umanoy korapsyon sa ahensya
By Alvin Baltazar - August 14, 2019 , 4:33 pm

Presidential Anti-Corruption Commission(PACC), hihingin ang mga ebidensiyang hawak ni Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) board member Sandra Cam hinggil sa umano’y korapsyon sa Sweepstakes Office.

Pormal na susulatan ngayong araw ni Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) Commissioner Greco Belgica si Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) Board member Sandra Cam para hingin ang mga ebidensiyang posibleng hawak nito na may kaugnayan sa korapsyon sa Sweepstakes Office.

Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ni Belgica na interesado silang malaman kung ano ang nalalaman ni Sandra Cam sa mga umano’y anomalya sa ahensiya.

At sa gitna ng ginagawang pagsilip ng PACC sa mga sinasabing iregularidad sa PCSO, sinabi ni Belgica na hindi naman lusot dito mismo si Cam, kasama ang iba pang mga aktibo at mga dating opisyal ng nasabing tanggapan.

Ayon kay Belgica, 15 mga opisyal ng PCSO ang nasa listahan nilang under investigation, at kasama dito ang 10 na nasa listahan ni Pangulong Duterte na dawit sa PCSO anomaly.

Inaasahang tatakbo ang imbestigasyon nang mula dalawa hanggang tatlong buwan.

YOU MIGHT ALSO LIKE