!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
Pagkakaroon ng hazard pay ng MMDA traffic enforcers, ipinapanukala sa Kamara
By Kathleen Forbes - August 21, 2019 , 7:35 pm

Inihain ni House Committee on Metro Manila Development Vice Chair at Quezon City Representative Precious Hipolito Castelo ang isang panukala na layong mabigyan ng hazard pay ang mga MMDA traffic enforcer.

Ayon sa kongresista, maghapong nasa daan at malapit sa peligro ang buhay ng mga enforcer kaya’t dapat lamang na mabigyan sila ng hazard pay.

Sa panukala ni Castelo, bibigyan ng hazard pay na dalawampung porsiyentong katumbas ng basic salary ng mga enforcer. Hindi rin aniya ito dapat buwisan.

Isang kaparehong panukala na ang inihain ng kanyang asawa na si Representative Winnie Castelo, noong nakaraang kongreso ngunit hindi ito umusad.

Noong 2017 ay una nang inilapit ni MMDA Chairperson Danny Lim sa kongreso ang ₱6,000 na hazard pay at salary increase sa kanyang mga tauhan.

YOU MIGHT ALSO LIKE