!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
Inter-university cooperation sa pagitan ng mga SUCs, iminungkahi
By Nimfa Asuncion - May 23, 2020 , 1:41 am

Hinihikayat ni Senador Francis Tolentino ang Commission on Higher Education (CHED) na magpatupad ng inter-university cooperation sa pagitan ng mga universities and colleges (SUCs) sa buong bansa sa gitna na rin ng nararanasang nating COVID-19 pandemic.

Paliwanag ni Tolentino, dapat magkaroon ng sistema nang pagtutulungan ang mga SUCs kung saan ang isang estudyante mula sa isang SUC ay maaaring kumuha o maipagpatuloy ang kanyang kurso sa kalapit na kolehiyo o unibersidad.

Sa ganitong paraan aniya ay mananatili pa rin sa kanyang hometown ang isang estudyante ngayong may pandemya at maipagpapatuloy ang kanyang pag-aaral sa unibersidad malapit sa kanila pero ang credit ay mapupunta pa rin sa malayong unibersidad na unang pinag-enrollan nito.

Hinalimbawa ng Senador ang isang estudyante na nag aaral sa UP Los Baños at may kursong BS Agriculture, pero nakatira sa Guimaras. Sa pamamagitan ng inter-university cooperation ay hindi na aniya kinakailangan pang lumuwas ng Luzon ang estudyante para sa kanyang pag-aaral.

Ayon kay Tolentino, bilang chairman ng CHED ay mayroong kapangyarihan si CHED Chairman Prospero De Vera para pagtulayin ang mga pribado at state universities at colleges habang may kinakaharap tayong health crisis.

YOU MIGHT ALSO LIKE