!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
Pagkawala ng higit P3.5-B kada araw sa ekonomiya ng bansa dahil sa trapik, ‘di pa rin maituturing na krisis — Palasyo
By Alvin Batazar - October 11, 2019 , 12:03 pm

Hindi na kinontra pa ng Palasyo ang ulat hinggil sa bilyon-bilyong pisong epekto sa ekonomiya ng bansa kaugnay ng nagpapatuloy at lumalala pang problema tungkol sa trapik.

Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo, walang pagtatalo at totoong malaki ang nawawala sa bansa dahil sa traffic na batay na rin sa pag-aaral ng JICA ay pumapalo ng P3.5 bilyong piso kada araw.

Ganunpaman, hindi pa rin aniya ito maaaring ituring na krisis bagama’t problema nga ang P3.5 billion peso loss kada araw sa kaban ng bayan.

Matagal na aniya itong suliranin na kahit wala pa ang Duterte administration sa poder ng kapangyarihan ay naririyan na ang naturang problema na pilit pinagsisikapang ayusin ng kasalukuyang pamahalaan.

Ito aniya ang dahilan kung bakit noon pa man ay humihingi na ng emergency power ang Pangulong Duterte pero ayaw ibigay at hinaharang.

YOU MIGHT ALSO LIKE