Pagkuha ng building permit sa QC, online application na
By Mike Rogas - May 23, 2020 , 12:02 am

Upang maiwasan ang pagdagsa ng tao, gagawin nang online ang paghahain ng aplikasyon para sa building permit sa Department of the Building Office sa Quezon City.

Ayon sa QC Local Government Unit, hindi na tatanggap ang building permit office ng mga ‘walk-in application’.

At para sa mga online application at appointment scheduling maaring bisitahin ang link na http://dbo-af.quezoncity.gov.ph.

Maaari namang i-check ang status ng aplikasyon, maaring i-text ang STATUS (space) APPLICATION NUMBER at isend sa 0950-903-5771.

YOU MIGHT ALSO LIKE