!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
Paglabas at pagpasok ng baboy, meat products, di na pinapayagan sa QC
By Rey Ferrer - September 12, 2019 , 10:51 am

Ipinatupad na ng Quezon City Veterinary Office ang “lockdown” sa lungsod bilang bahagi ng monitoring sa African Swine Fever (ASF) na nakapasok na sa bansa.

Ibig sabihin nito, wala nang papayagan na makapasok at makalabas na baboy at meat products sa QC.

Paliwanag ni QC Veterinary Office Head Dra. Ana Cabel, magtutuloy-tuloy ang lockdown, hanggat hindi lumalabas ang resulta ng pagsusuri ng Bureau of Animal Industry (BAI) sa tissue sample na kinuha sa apat na baboy na nakitang patay sa ilog sa Barangay Bagong Silangan kahapon.

Hindi pa rin matukoy kung inanod lang sa ilog ang mga patay na baboy, o galing sa backyard piggery sa Bagong Silangan.

Ngayong araw ding ito ipinatupad na sa barangay ang 1-7-10 protocol ng Department of Agriculture (DA).

Sinabi pa ni Dra. Cabel, kapag naging positibo sa ASF ang mga natagpuang patay na baboy, agad niyang ipag-uutos ang pagpatay sa 10,000 baboy na nasa Barangay Bagong Silangan.

YOU MIGHT ALSO LIKE