Paglabas ng arrest warrant nina Trillanes at 13 iba pa, ikinatuwa ng DOJ
By Julius Gonzales - February 14, 2020 , 5:23 pm

Naging malugod ang pagtanggap ng Department of Justice (DOJ) sa inilabas na warrant of arrest ng Quezon City Metropolitan Trial Court Br. 138 laban kina dating Senador Antonio Trillanes at 13-iba pa, na sinampahan ng reklamong conspiracy to commit sedition.

Ito ang naging reaksiyon ng isa sa miyembro ng DOJ-panel na may hawak sa kaso, na si Assistant State Prosecutor Michael John Humarang, na patunay lamang aniya na kumbinsido ang korte sa kanilang isinumiteng ebidensya, matapos ang kanilang ginawang preliminary investigation.

Paglilinaw pa ni Fiscal Humarang, na may nakitang sapat na batayan ang husgado kaya naglabas ito ng arrest-warrant laban kay Trillanes at mga kasamahan nito.

Sa kabila nito, ay bukas pa rin ang DOJ sa posibilidad na tumanggap ng iba pang testigo at newly-discovered evidence sakaling may bagong lumutang na testigo.

Pinag-aaralan na rin ng DOJ, na gawing state-witness si Peter Advincula alyas Bikoy, na kasama sa mga kinasuhan, subalit kailangan muna nitong pumasa sa assessment ng DOJ-panel.

YOU MIGHT ALSO LIKE