!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
Paglilikas sa mga residente sa 3 lugar sa QC,  sinimulan kagabi
By Michael Rogas - December 3, 2019 , 7:03 am

Simula kagabi ay nagsagawa na ng preemptive evacuation ang Quezon City  government sa mga residenteng nakatira sa mabababang lugar sa Lungsod Quezon.

Ito ang napagkasunduan sa pre-disaster assesment meeting na pinangunahan ni Quezon City Mayor Joy Belmonte at mga bumubuo ng QC DRRMO.

Ayon kay QC DRRMO Chief Mike Marasigan, naka-standby na ang rescue unit sa mga estratehikong lugar sa lungsod katuwang ang Philippine Red Cross at QC Police District.

Bilang bahagi ng paghahanda sinabi ni Marasigan na simula kagabi ay nagsagawa na ng paglilikas sa mga residenteng nakatira sa binabahang lugar sa lungsod kabilang na ang Roxas District, Apolonio Samson at Brgy. Bagong Silangan.

Bahagi rin ng paghahanda ng LGU ang isinagawang tree pruning, clean-up drive at declogging operations ng engineering department.

Paliwanag ni Marasigan, hindi na nila hihintayin pa ang direktang pagtama ng bagyong Tisoy bago magsagawa ng preemptive evacuation para maiwasan ang nangyari noong humagupit ang bagyong Ondoy noong 2009.

YOU MIGHT ALSO LIKE