!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
Pagmamaneho ng walang lisensya sa Davao City, planong ikonsiderang criminal offense
By Sheila Lisondra - September 18, 2019 , 7:01 pm

Plano ng pamahalaang lokal ng Davao na ikonsiderang criminal offense ang pagmamaneho na walang driver’s license.

Ayon kay Konsehal Conrado Baluran, chairperson ng Committee on Transportation and Communication, base sa record ng City Transport and Traffic Management Office (CTTMO) sa 46 na mga traffic violations, ang driving without license ang nasa sa ikapito na may pinakamaraming lumabag o nasa 9,042 na ang nahuli mula Setyembre 2017 hanggang Hulyo 2019.

Nagpapakita lamang umano ito ng pagkawalang respeto ng mga violators sa batas, o posibleng dahil na rin sa mababang multa lamang nito, na madaling mabayaran kapag nahuli ng mga enforcers.

Napag-alaman na nasa P3,000 lamang ang multa ng driving without license sa LTO.

Ang nasabing panukala ay pasado na sa 1st reading sa 19th city council ng Davao.

YOU MIGHT ALSO LIKE