!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
Pagpapasara ng DepEd sa mga paraaralan ng mga Lumad sa Mindanao, ikinadismaya ng CBCP
By Jesson Tamondong - October 10, 2019 , 6:55 pm

Dismayado ang pamunuan ng Catholic Bishop of the Philippines (CBCP) sa pagpapasara ng Department of Education (DepEd) sa mga paaralan ng mga Lumad sa Mindanao.

Ayon kay CBCP Chairman for Episcopal Commission on Catechesis and Catholic Education at San Jose Nueva Ecija Bishop Roberto Mallari, dapat umano’y nagsagawa muna ng pag-aaral at imbestigasyon ang DepEd bago nito ipinasara ang mga paaralan.

Sa halip aniya na ipasara ang mga paaralan, dapat nag-isip ng ibang paraan upang mapaganda ang sistema ng edukasyon sa mga Lumad schools.

Iginiit ni Mallari na dahil sa nasabing hakbang ay maraming kabataang Lumad ang maaapektuhan.

Sinabi pa nito na sa halip na ipasara ay dapat tulungan ng pamahalaan ang mga eskwelahan ng Lumad para maabot ang batayan at alituntunin na hinihingi ng gobyerno.

Matatandaang ipinasara ng DepEd ang mga Lumad school sa Mindanao dahil ginagamit umano ito sa panghihikayat ng mga miyembro ng rebeldeng grupo.

YOU MIGHT ALSO LIKE