Pagpayag sa face-to-face classes sa mga med schools, pagtitiyak na hindi mauubusan ng health frontliners ang bansa
By Racquel Bayan - January 26, 2021 , 8:59 pm

Titiyakin lamang ng pagpapayag sa face-to-face classes sa mga medical schools at health-allied programs, na hindi mauubusan ng health personnel ang bansa sa gitna ng nagpapatuloy na COVID-19 pandemic.

Pahayag ito ni Presidential Spokesperson Harry Roque kaugnay sa una nang pagpayag ng Inter-Agency Task Force (IATF) na makabalik sa face-to-face classes ang mga higher educational institution sa Modified General Community Quarantine (MGCQ) areas, at sa mga higher education institution sa General Community Quarantine (GCQ) areas na mayroong ospital na nagki-cater ng COVID-19 patients.

“Ito po ay sa mga med schools and iyong mga medical allied programs sa mga higher educational institutions sa MGCQ, at para po sa mga higher education institutes in GCQ areas with base hospitals that cater to COVID-19 patients.” ani Secretary Roque,

Ayon sa kalihim, kung hindi inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyong ito ng Commission on Higher Education (CHED), posibleng maubusan ng medical graduate ang bansa.

Sa panahong ito aniya ng pandemya, ngayon mas kailangan ang lahat ng doktor at health workers na mayroon sa bansa.

YOU MIGHT ALSO LIKE