!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
Pagsama sa police ops, barometro para kay VP Leni kung makatotohanan ang zero killing target sa campaign vs illegal drugs 
By Alvin Baltazar - November 8, 2019 , 1:43 pm

Kailangang sumama si Vice President Leni Robredo sa police operations, para mapagtanto nito kung kakayaning maabot ang kanyang target na zero killing sa kampanya kontra iligal na droga.

Ito ang sinabi ni Chief Presidential Legal Counsel at Spokesman Salvador Panelo, kaugnay ng nais nitong maging approach laban sa mga nasa illegal drug trade.

Ayon kay Panelo, hahayaan lang nila ang Bise Presidente kung paanong maisasakatuparan, na walang malalagas na sinomang drug suspect sa panahon ng anti-illegal drugs operation.

Magandang barometro aniya para makamit ang target ng Bise Presidente ay ang pagsama nito sa mga operasyon at mula duon, ay personal na masaksihan kung ano ang nagaganap sa ground.

Ayon kay Panelo, sa ganitong paraan, maaari na aniyang makapag-plano ang pangalawang Pangulo kung paano magtatagumpay sa kanyang misyon bilang bagong drug czar.

YOU MIGHT ALSO LIKE