!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
Pagtataas sa Motor Vehicle Users’ Charge, tatalakayin na rin sa Kamara
By Kathleen Jean Forbes - September 12, 2019 , 11:45 am

Inihayag ni House Committee on Ways and Means Chairperson Joey Salceda, na isusunod nilang talakayin sa Kamara ang pagtataas ng Motor Vehicle Users’ Charge.

Ani Salceda, 15-taon nang hindi na-aadjust ang singil dito, sa kabila ng 91 percent na inflation rate sa nakalipas na mga taon.

Sa panukala ni Salceda, gagawing pautay-utay ang pagtataas sa loob ng tatlong taon.

Depende sa uri ng sasakyan, ang pinakamababang pagtaas ay papalo sa P2,300 mula sa dating P1,600.

Hindi naman kasama dito ang mga motorsiklo.

Kaiba naman aniya ito sa bersyon na ipinapanukala ng Department of Finance, na aabot nang hanggang P33,000.

Bukod naman sa Motor Vehicle Users’ Charge, posible ring taasan ang excise tax sa luxury vehicles.

Pagtitiyak naman ni Salceda, tatalakayin itong mabuti ng komite at kukunsultahin ang mga stakeholder.

YOU MIGHT ALSO LIKE