Palasyo: Ex-Chief Justice Bersamin, magagampanan ang tungkulin sa GSIS
By Racquel Bayan - February 14, 2020 , 5:18 pm

Tiwala ang Palasyo na gagampanan ni dating Supreme Court (SC) Chief Justice Lucas Bersamin ng may parehong dedikasyon at integridad ang kaniyang bagong tungkulin sa Government Service Insurance System (GSIS), tulad ng ipinamalas niya sa mahabang taong iginugol sa government service.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, si Bersamin ay mayroong katangi-tanging record sa serbisyo publiko sa sampung taong paninilbihan sa Korte Suprema.

Bukod sa pagtatapos ng abogasiya sa University of the East noong 1973, nasungkit niya ang 9th place sa bar examination noon.

October 2019, nang magretiro si Bersamin bilang ika-25 na chief justice.

Matatandaan, na itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte ang dating chief justice bilang bagong pinuno ng GSIS.

YOU MIGHT ALSO LIKE