!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
Palasyo, ipauubaya na sa mga opisyal ng pamahalaan kung magpapa-test muli
By Racquel Bayan - April 1, 2020 , 9:10 pm

Ipinauubaya na ng Palasyo, sa mga opisyal ng pamahalaan, kabilang si Pangulong Rodrigo Duterte kung muling sasailalim ang mga ito sa COVID-19 testing, matapos magpositibo sa naturang virus si DILG Secretary Eduardo Año.

Paliwanag ni Cabinet Secretary Karlo Nograles, kani-kaniyang desisyon kasi ito at nakadepende rin kung mayroong nararamdaman o ipinapakitang sintomas ang isang indibidwal.

Halimbawa aniya sa kaniyang kaso, naka self-quarantine na siya simula pa noong March 26, at hanggang sa kasalukuyan ay wala pa naman siyang nararamdamang anumang sintomas ng virus, kaya hindi pa niya kailangang magpa COVID test.

Gayumpaman, siniguro naman ni Secretary Nograles na hindi muna siya nakikisalamuha sa kaniyang pamilya at iba pang miembro ng kanilang tahanan habang naka quarantine bilang bahagi ng precautionary measure.

YOU MIGHT ALSO LIKE