!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
Palasyo, nababahala sa napapaulat na recruitment ng mga komunistang grupo sa mga mag-aaral
By Racquel Bayan - August 14, 2019 , 5:25 am

Aminado ang Malacañang na nababahala sila sa patuloy na pagre-recruit ng mga makakaliwang grupo sa mga mag-aaral.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo mahirap pigilan ang recruitment lalo na’t patago itong isinasagawa.

Gayunpaman, sinabi ni Panelo na hindi ang karagdagang police visibility ang nakikita niyang tugon sa pagpapahinto ng recruitment ng mga grupong ito.

Dahil dito makabubuti aniya na kausapin ng mga magulang ang kanilang mga anak na iwasan ang pagsali sa mga makakaliwang grupong.

Dapat rin aniyang ipaunawa ng mga magulang sa kanilang mga anak na ang ideyolohiyang ipinaglalaban ng mga grupong ito ay matagal nang paso o hindi na akma sa kasalukuyang panahon.

YOU MIGHT ALSO LIKE