!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
Palasyo, naniniwalang dapat nang magkaroon ng kanta na magre-representa sa lahat ng lugar sa Pilipinas
By Racquel Bayan - December 3, 2019 , 7:23 am

Nasiyahan si Pangulong Rodrigo Duterte sa awiting “Manila” ng Hotdogs na itinampok sa opening ceremony ng 30th South East Asian games.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, umiindak pa si Pangulong Duterte habang pinapatugtog ang kanta, kasabay ng paglabas ng mga atleta at delegasyon ng Pilipinas.

Nagustuhan rin aniya ito ng mga taong nandoon mismo sa opening ceremony ng SEA Games.

Gayunpaman, naniniwala si Secretary Panelo na panahon na upang magkaroon ng awitin na ire-representa ang lahat ng lugar sa Pilipinas.

Matatandaan kasi na pinuna ni Davao City Mayor Sarah Duterte ang paggamit sa kantang ‘Manila’ dahil hindi raw nito inire-representa ang buong bansa.

Mungkahi ng kalihim sa mga songwriters, kung maaari ay gumawa ng isang awitin na kakatawan sa Luzon, Visayas at Mindanao.  At banggitin ang kagandahan o katangian ng mga lugar sa bansa, sa maganda ring tempo at nakaiindak na tugtugin.

YOU MIGHT ALSO LIKE