Palasyo sa publiko: Hayaan muna ang MMDA na solusyunan ang bigat ng trapiko sa EDSA
By Racquel Bayan - August 13, 2019 , 5:24 pm

Bigyan muna ng tsansa ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na hanapan ng solusyon ang problema sa trapiko bago bumatikos.

Ito ang sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo sa gitna ng nararanasang pagbigat ng trapiko sa EDSA kasunod ng iba’t ibang traffic schemes na ipinatutupad ng MMDA sa naturang kalsada.

Ayon kay Panelo, maraming taon nang problema ang traffic sa EDSA at maging ang mga nakaraang administrasyon ay bigo rin naman itong masolusyunan.

Kaya naman hayaan muna ang MMDA na gawin ang kanilang trabaho.

Kaugnay nito sinabi ng Palasyo, na bukas ang pamahalaan sa anumang suhestyon mula sa publiko para sa ikareresolba ng matinding traffic sa EDSA.

YOU MIGHT ALSO LIKE