Pamahalaan, dapat maging maingat sa planong pagbili at pamamahagi ng bakuna vs. COVID-19 — Sen. Villanueva
By Nimfa Asuncion - July 31, 2020 , 6:23 pm

Pinaalalahanan ni Senator Joel Villanueva ang pamahalaan na maging maingat sa plano nitong pagbili at pamamahagi ng bakuna kontra COVID-19, sakaling maging available na ito.

Ayon kay Villanueva, bagamat nauunawaan niya ang kagyat na pangangailangan sa bakuna, mayroon ring kaakibat na panganib ang pagmamadali ng pag-develop ng isang bakuna, na kadalasang inaabot ng sampung taon bago mabuo.

Sa kabila nito, naniniwala ang senator, na magiging mahigpit ang ating Food and Drug Administration (FDA) sa pag-aapruba ng mga bakuna sakaling maging available na ito.

Humiling rin ang senator ng transparency sa magiging experimental result ng mga COVID-19 vaccine, na nasa 3rd phase o human trial stage na sa ngayon.

Oras naman na makabili na ang bansa ng bakuna, wala aniyang dapat mapagkaitan na makakuha nito.

Paalala ni Villanueva, obligasyon ng estado na suportahan ang right to health ng bawat isang Pilipino.

YOU MIGHT ALSO LIKE