Panawagang price freeze sa produktong baboy at manok, dapat isailalim muna sa dayalogo
By Kathleen Jean Forbes - January 26, 2021 , 8:28 pm

Ipinanawagan ni Ang Probinsyano Partylist Rep. Ronnie Ong na magkaroon muna ng dayalogo sa pagitan ng pamahalaan at mga hog at poultry raisers bago ang pagpapatupad ng price freeze sa mga produktong baboy at manok.

Diin ng mambabatas, dapat munang magkaroon ng konsultasyon sa pagitan ng mga magsasaka, magbababoy at magmamanok upang mapakinggan ang kanilang panig.

Marami aniya sa mga magsasaka lalo na sa probinsya ang matinding tinamaan ng epekto ng COVID-19 pandemic bukod pa sa pananalasa ng mga nagdaang bagyo.

Sa kasalukuyan, nasa halos P400 na ang presyo ng kada kilo ng baboy habang P190 hanggang P200 ang kada kilo ng manok.

YOU MIGHT ALSO LIKE