!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
Pang-aambush kay dating Representative at Governor Amado Espino Jr., kinundena ng Palasyo
By Alvin Baltazar - September 12, 2019 , 11:42 am

Kinundena ng Malacañang ang nangyaring pang-aambush kahapon kay dating Pangasinan Governor at ex- Representative Amado Espino, Jr. sa Barangay Magtaking, San Carlos City.

Sa inilabas na statement ng Malacañang, sinabi nitong walang puwang sa lipunan ang nangyaring tangkang pagpatay sa kongresista.

Pagtiyak naman ni Chief Presidential Legal Counsel at Spokesperson Salvador Panelo, kumikilos na ngayon ang mga otoridad, na aniya’y hindi titigil sa pagtugis sa mga nasa likod ng tangkang pagpatay.

Isa ang patay, na nakilalang si PO3 Richard Esguerra, na sinasabing aide ni Espino.

Sa ngayon ay stable na ang kondisyon ng dating kongresista, na dating naisama sa narco list, pero tinanggal din matapos na maberepikang hindi ito dapat na makabilang sa drug list.

YOU MIGHT ALSO LIKE