!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
Pangulong Duterte, damalo sa pagpapasinaya sa Center for Elderly sa Taguig City
By Racquel Bayan - November 21, 2019 , 9:45 pm

Bumisita si Pangulong Rodrigo Duterte sa Program Center for the Elderly ngayong gabi, sa Taguig City.

Ang pinasinayaan na five-floor Center for the Elderly ay kinatatampukan ng gym, therapy pool, massage room, sauna, cinema, multi- purpose hall, movie house at dialysis center na inilaan para sa mga nakatatanda.

Sa panayam kay House Speaker Alan Peter Cayetano, ipinaliwanag nito na ang Elderly Center na ito ay bahagi ng 10-point agenda ng lungsod ng Taguig na makapagbigay ng mapag-arugang komunidad, healthy city at responsive, relevant at resilient infrastructure.

Sinabi ng House Speaker na ang center na ito ay
nagpapakita na hindi lamang sa ospital matatagpuan ang mga ganitong pasilidad para sa mga matatanda.

Bukod dito, hindi rin naman aniya nangangahulugan na therapeutic o nakapagpapagaling na mga serbisyo lamang ang maaaring ibigay sa mga nakatatanda.

Dapat rin aniya ay binibigyan ng wellness facilities ang mga ito, lalo’t makatutulong ito sa pagpapahaba ng kanilang buhay.

YOU MIGHT ALSO LIKE