!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
Pangulong Duterte, di nakasalamuha ni Rep. Yap sa Malacañang noong Sabado
By Racquel Bayan - March 26, 2020 , 8:07 am

Hindi nakasalamuha ni Pangulong Rodrigo Duterte si ACT CIS Partylist Representative Eric Yap noong nagtungo ito sa Malacañang nitong weekend.

Ito ang sinabi ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año makaraang kumpirmahin ng kongresista na nagpositibo ito sa COVID-19.

Ayon kay Secretary Año, sila namang mga present sa Malacañang noong Sabado ay nagpatupad ng social distancing at nagsuot rin sila ng face mask.

Kauganay nito, sinabi ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Wendel Avisado at Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rolando Bautista na kahit wala silang nararamdaman, sasailalim sila sa self-quarantine, bilang precautionary measure.

Tatangkilikin muna nila ang teleconferencing upang patuloy na magampanan ang kanilang tungkulin.

YOU MIGHT ALSO LIKE