Pangulong Duterte, inatasan ang PhilHealth na madaliin ang pagbabayad sa valid claims ng mga ospital
By Racquel Bayan - April 8, 2021 , 9:47 pm

Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na bilisan ang pagbayad sa mga valid claims ng mga ospital.

“President Rodrigo Roa Duterte directed the Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) to expedite the payment of valid claims of hospitals today, April 8, 2021.” anunsyo ni Presidential Spokesperson Harry Roque.

Dahil dito, ayon kay Secretary Roque, inaprubahan ng PhilHealth ang Debit-Credit Payment Method (DCPM) upang mabayaran ang mga Health-Care Facilities (HCFs) habang nasa state of public health emergency ang bansa, dahil sa COVID-19 pandemic.

“PhilHealth in turn approved the application of a Debit-Credit Payment Method (DCPM) to facilitate the settlement of accounts payable to Health Care Facilities (HCFs) during the state of public health emergency due to the COVID-19 pandemic.” saad ni Secretary Roque.

Aniya ang mga HCFs na eligible para sa DCPM ay dapat na nasa Inter-Agency Task Force  (IATF) at National Task Force (NTF) identified regions, kabilang na ang National Capital Region (NCR), Batangas, Bulacan, Cavite, Laguna, Pampanga, at Rizal.

Ang mga HCF na ito ay dapat rin na walang Interim Reimbursement Mechanism Fund balance.

At dapat ring tumutugon ang mga ito sa COVID-19 patiens o nagbibigay ng SARS-COV-2 testing package.

“They must be attending to COVID-19 patients or providing the SARS-COV-2 testing package and their accreditation is not suspended during the applicable period.” ani Secretary Roque.

Sa pamamagitan ng hakbang na ito, nakatitiyak ang Malacañan na magtutuloy-tuloy ang delivery ng healthcare services, lalo na sa mga areas of concern, o ‘yung mga lugar na mataas ang naitatalang kaso ng COVID-19.

“Through this measure, we are confident there would be continuous delivery of healthcare services, especially in identified areas of concern, amid the rising number of coronavirus active cases.” ayon kay Secretary Roque.

YOU MIGHT ALSO LIKE