Pangulong Duterte, nagpaabot ng pagbati sa ika-limang anibersaryo ng PTFoMS
By Racquel Bayan - October 13, 2021 , 9:44 pm

Nagpaabot ng pagbati si Pangulong Rodrigo Duterte sa ika-limang taong anibersaryo ng Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS).

Sa maikling mensahe ng pangulo, kinilala nito ang mahalagang papel na ginagampanan ng task force sa pagtitiyak ng press freedom sa bansa kung saan umiiral ang demokrasya.

Aniya, tinitiyak rin ng task force na napro-protektahan at naisusulong ang karapatan at kapakanan ng mga mamamahayag.

Umaasa si Pangulong Duterte na ipagpapatuloy ng task force ang commitment sa paggampan sa kanilang mandato.

“I hope that you will continue to fulfil your mandate with utmost excellence and commitment.” saad ni Pangulong Duterte.

Matatandaang ika-11 ng Oktubre, 2016 nang lagdaan ni Pangulong Duterte ang batas na bumuo sa Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS).

YOU MIGHT ALSO LIKE