!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
Pangulong Duterte, sinertipikahang urgent bill ang panukalang 2020 National Budget
By Alvin Baltazar - September 18, 2019 , 9:10 pm

Lumiham na si Pangulong Rodrigo Duterte sa liderato ng Kamara para gawing priority bill ang House Bill 4228 o ang panukalang 2020 national budget.

Sa sulat ng Pangulo kay House Speaker Alan Peter Cayetano at Senate President Tito Sotto, sinesertipikahan niyang urgent ang nabanggit na house bill.

Layunin nitong matiyak na magiging tuloy-tuloy ang operasyon ng gobyerno, mapabilis ang paglalaan ng pondo para sa mga proyekto para sa susunod na taon.

Dahil certified urgent, nangangaluhugan itong mas mapapadali ang pagpasa ng Kongreso ng budget dahil matapos itong lumusot sa 2nd reading, pupwede na itong ipasa agad sa 3rd reading na hindi na kailangan pang maghintay ng tatlong araw.

YOU MIGHT ALSO LIKE