Inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pansamantalang pagbawas sa buwis o taripa ng mga inaangkat na karne ng baboy.
Sa ilalim ng Executive Order no. 128, nakasaad ang pangangailangan na pansamantalang maibaba ang buwis sa mga imported na karne ng baboy, sariwa man ito, chilled o frozen, upang tugunan ang nararanasang pork supply shortage, i-stabilize ang presyo ng karne ng baboy, at i-minimize ang inflation rate, at iba pang epekto ng pagtama ng African Swine Fever (ASF) sa swine industry ng Pilipinas.
Nakasaad sa kautusan na mula sa orihinal na 30% in-quota tariff, ibababa ito sa 5% sa unang tatlong buwan ng pagiging epektibo ng kautusan.
10% sa ikaapat na buwan hanggang ika-labindalawang buwan.
At makalipas ang isang taon ay ibabalik ito sa 30% Para naman sa out-quota tariff, gagawing 15% sa unang tatlong buwan nang pagiging epektibo ng EO no. 128.