Panukalang Bangon Pamilyang Pilipino Assistance Program, maaaring gawing by tranche ang pamimigay — Rep. Cayetano
By Kathleen Forbes - February 23, 2021 , 6:00 pm

Bukas si dating House Speaker Alan Peter Cayetano na gawing by tranche ang pamamahagi ng financial aid, sa ilalim ng ipinapanukala nitong Bangon Pamilyang Pilipino (BPP) assistance program.

Sa isang panayam, sinabi ni Cayetano na maaaring gawing two-gives o pautay-utay ang pagpapaabot ng naturang financial assistance, na nagkakahalaga ng P10,000 kada pamilya o P1,500 kada miyembro o kung alin ang mas mataas.

Aniya, kung hindi pa mapagkasunduan ang pinal na halaga ng ayuda ay maaari naman itong gawing pauta-utay.

Ang mahalaga lamang, ay unahin muna ang pagtulong sa mga nangangailangang pamilya, sa gitna na rin ng mataas na presyo ng bilihin.

Ipinapanukala naman, na kunin ang pondo mula sa P425 billion unutilized funds sa 2020 GAA at P253 billion na bank balance.

YOU MIGHT ALSO LIKE