!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
Panukalang pondo para sa Nuclear Energy program ng DOE, kinuwestiyon
By Nimfa Asuncion - October 10, 2019 , 8:11 pm

Kinuwestiyon ni Senate Energy Committee Chairperson, Senador Sherwin Gatchalian ang pondong laan ng Department of Energy (DOE) para sa kanilang nuclear energy program.

Ito ay matapos na rin sabihin ng Pangulong Rodrigo Duterte na maaaring labag sa konstitusyon ang isa sa mga kasunduang pinirmahan ng Pilipinas at Russia na magsagawa ng pag-aaral tungkol sa posibilidad ng pagtatayo ng nuclear power plant dito sa bansa.

Sa budget hearing ng DOE kanina, napag-alamang nasa ₱97 million ang alokasyon para sa nuclear program agenda ng ahensya.

Kaya naman tanong ni Gatchalian, pumayag na ba si Pangulong Futerte na ituloy ang naturang programa, dahil kung hindi ay wala aniyang punto na paglaanan pa ito ng pondo.

Tugon naman ni Energy Secretary Alfonso Cusi, ang nuclear program agenda ay bahagi lamang ng kanilang mandato na maghanap ng iba pang posibleng energy sources.

yon kay Cusi, ang naturang pondo ay gagamitin sa pagkuha ng mga consultant at ekspertong magsasagawa ng mga pag-aaral na magiging basehan naman ng bubuuing pambansang polisiya tungkol sa nuclear program.

Sa huli, paalala ni Gatchalian sa DOE, maging bukas sa publiko tungkol sa mga hakbang na ginagawa nila tungkol sa naturang programa.

YOU MIGHT ALSO LIKE