Parañaque Gov’t, target simulan ang COVID-19 vaccination sa huling yugto ng second quarter
By Hajji Kaamiño - February 26, 2021 , 8:47 pm

Kinumpirma ni Parañaque City Mayor Edwin Olivarez na plano ng lokal na pamahalaan, na simulan ang rollout ng COVID-19 vaccine bago mag-third quarter ng 2021.

Ayon kay Olivarez, hinihintay na lang nila ang delivery ng mga bakuna mula sa AstraZeneca, matapos magbayad ng 20 percent down payment para sa 200,000 doses.

Sa sandaling dumating na ang suplay ay mauuna aniyang tuturukan ang frontliners at vulnerable sector.

Nakikipag-usap pa ang city government sa ibang vaccine manufacturers, partikular sa Moderna, Pfizer, at Novavax pero iginiit ni Olivarez na malayo pa bago makumpleto ang transaksyon.

Anim na vaccination centers ang inihanda ng lokal na pamahalaan sa Parañaque, na pamumunuan ng tig-apat na vaccination teams na binubuo ng sampung miyembro.

Sa kasalukuyan, dalawang barangay sa lungsod ang COVID-free habang ang iba ay may naitalang single-digit cases.

YOU MIGHT ALSO LIKE