!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
Partial result ng imbestigasyon ng Ombudsman sa mga anomalya sa BuCor, posibleng ilabas sa susunod na 2-3 linggo 
By Nimfa Asuncion - September 18, 2019 , 6:59 pm

Sinabi ni Ombudsman Samuel Martires na posibleng ilabas na nila ang initial report tungkol sa ginagawa nilang imbestigasyon sa implementasyon ng Good Conduct Time Allowance (GCTA) law sa susunod na dalawa hanggang tatlong linggo.

Binanggit ito ni Martires sa ginawang pagdinig ng Senado sa P3.146 billion na panukalang pondo ng Office of the Ombudsman para sa susunod na taon.

Ombudsman Samuel Martires

Sinabi ni Ombudsman Samuel Martires na posibleng ilabas na nila ang initial report tungkol sa ginagawa nilang imbestigasyon sa implementasyon ng Good Conduct Time Allowance (GCTA) law sa susunod na dalawa hanggang tatlong linggo. | via Nimfa Asuncion www.radyopilipinas.ph

Posted by Radyo Pilipinas on Wednesday, September 18, 2019

Ayon kay Martires, sa ngayon ay kinukumpleto pa nila ang mga dokumento at ebidensya upang masemento ang kaso laban sa mga personalidad na sangkot sa anomalyang ito.

Dalawa hanggang tatlong opisyal ng Bureau of Corrections (BuCor) ang tinitingnan aniya nila sa ngayon sa may kinalaman sa anomalya.

Siniguro naman ni Martires, na pinag-aaralan nilang mabuti ang posibleng partisipasyon ng lahat ng mga kasalukuyan at dating opisyal ng BuCor, kabilang na aniya dito si dating BuCor chief at ngayo’y senador Ronald ‘Bato’ dela Rosa.

Samantala, kinumpirma rin ng Ombudsman na nakapagsumite na si Senadora Leila De Lima kahapon ng sagot tungkol sa binuo nilang implementing rules and regulations (IRR) ng Republic Act 10592 o ng GCTA law.

Ombudsman Samuel Martires

Dating DILG Secretary Mar Roxas, humingi ng hanggang September 23 para makapagsumite ng paliwanag tungkol sa IRR ng GCTA law ayon kay Ombudsman Samuel Martires. | via Nimfa Asuncion www.radyopilpinas.ph

Posted by Radyo Pilipinas on Wednesday, September 18, 2019

Samantala, si dating DILG Secretary Mar Roxas naman ay humingi ng hanggang September 23 upang makapagsumite ng paliwanag.

Matatandaang hiningan ng Office of the Ombudsman sina Roxas at De Lima ng paliwanag kung bakit nawala sa binuo nilang IRR ang nakasaad sa batas na hindi dapat nabibigyan ng good conduct time credit ang mga heinous crime convicts.

YOU MIGHT ALSO LIKE