!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
PNP Chief, ipinaabot ang pakikiramay sa pamilya ng pulis opisyal na napatay ng NPA sa Iloilo 
By Leo Sarne - February 14, 2020 , 3:17 pm

Ipinaabot ni Philippine National Police (PNP) Chief P/Gen. Archie Francisco Gamboa ang kanyang pakikidalamhati sa pamilya ni Police Captain Efren Espanto Jr., ang team leader ng Reconnaissance Company ng Regional Mobile Force Battalion 6, na namatay sa pakikipaglaban sa NPA sa Janiuay, Iloilo nitong Miyerkules.

Tiniyak ni Gamboa sa pamilya na matatanggap nila ang lahat ng mga kaukulang benepisyo mula sa PNP.

Nasawi si Capt. Espanto nang tamaan siya ng bala sa kanang bahagi ng ulo habang nagsasagawa ng combat operation laban sa NPA sa Barangay Aglobong ng naturang bayan.

Ayon kay PNP Spokesperson Police Brig. Gen. Bernard Banac, ongoing ang pursuit operations laban sa mga NPA na involved sa insidente.

Si Espanto ay tubong La Carlota City sa Negros Occidental at miyembro ng Philippine National Police Academy Lakandula Class of 2015.

YOU MIGHT ALSO LIKE