PNP personnel na nakarekober sa COVID-19, halos 6,000 na
By Leo Sarne - October 17, 2020 , 9:15 am

Nasa 5,950 na ang mga gumaling mula Sa COVID-19 sa hanay ng Philippine National Police (PNP) mula sa kabuuang 6,636 nilang tauhan na nagpositibo sa virus.

Ito’y matapos na makapagtala ang PNP Health Service kagabi ng 50 bagong recoveries, at kaparehong bilang ng mga bagong kaso.

Pinakamaraming bagong kaso ang iniulat sa Police Regional Office (PRO) Cordillera na may 15.

Pito naman sa National Capital Region Police Office (NCRPO), tig-5 ang PRO-1 at PRO-2, apat sa National Operational Support units, tig-3 sa PRO-7 at PRO-9, dalawa sa PRO-4A, at tig-isa sa National Headquarters at PRO-10.

Sa ngayon, nananatili sa 666 ang bilang ng mga aktibong kaso, at nananatili din sa 20 ang bilang ng PNP personnel na nasawi mula Sa COVID-19.

YOU MIGHT ALSO LIKE