PNR, plano ring magdagdag ng biyahe sa Bicol mula Sipocot hanggang Legazpi
By Racquel Bayan - August 14, 2019 , 9:49 pm

Madadagdagan na ang lugar na mase- serbisyuhan ng Philippine National Railways (PNR) sa Bicol region sa pagtatapos ng 2019 o hanggang sa unang buwan ng 2020.

Sa economic briefing sa Malacañang, sinabi ni PNR General Manager Jonn Magno na bubuksan kasi nila ang biyaheng Sipocot hanggang Legazpi.

Sa kasalukuyan kasi ay biyaheng Sipocot hanggang Naga lamang ang operasyon ng train sa Bicol region.

Layon ng proyektong ito na pagaanin ang pagbiyahe sa mga tutungo at manggagaling sa rehiyon ng Bicol.

YOU MIGHT ALSO LIKE