!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
POC Chair Tolentino, kumpiyansang kaya ng PH team na humakot ng higit 100 medalya sa SEAG
By Merry Ann Bastasa - December 3, 2019 , 8:28 am

Ikinatuwa ng mga sports official ang pamamayagpag ng team Pilipinas sa nagpapatuloy na South East Asian games.

Sa press conference kahapon, sinabi ni Philippine Olympic Committee (POC) Chair, Representative Bambol tolentino, na maganda ang takbo ng performance ngayon ng Pilipinas na naungusan na ang gold medal performance nito noong 2017 SEA games.

Sa prediksyon ni Tolentino, kayang kayang makamit ng bansa ang higit isandaang medalya.

As of 2:05 kahapon, nananatili sa top spot mg medal tally ang bansa kung saan aabot na sa 27 gold nito, 16 silver at 9 bronze na may kabuuang bilang na 52 medals.

Sumunod naman sa Pilipinas ang Vietnam, habang pumangatlo naman ang Thailand.

YOU MIGHT ALSO LIKE