!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
Pres. Duterte at Immigration Comm. Morente, inaasahang maghaharap sa gitna ng ‘pastillas’ modus
By Alvin Baltazar - February 21, 2020 , 5:16 pm

Inaasahang magkakaharap sina Pangulong Rodrigo Duterte at Bureau of Immigration Commissioner Jaime Morente sa gitna ng naungkat na bribery scandal sa ahensyang pinamumunuan nito.

Posibleng mangyari ang paghaharap ng dalawa sa susunod na Cabinet meeting na kung saan ay nais mismo ng Pangulo na malaman ang pagpapatakbo ni Morente sa Immigration Bureau.

Ayon sa isang source, kanyang sasabihan ang BI chief na dumalo sa Cabinet meeting na posibleng gawin sa unang Lunes ng susunod na buwan.

Sa naturang pulong ng mga miyembro ng Gabinete ay inaasahang mismong si Morente ang magpe-presenta sa Chief Executive, kung paano nito pinangangasiwaan ang BI at kung ano ang sitwasyon sa ahensya kasunod ng nabuking na anomalya ng ilang mga kawani at opisyal nito.

Kaugnay nito’y sinibak na sa pwesto ng Pangulo ang lahat ng mga nasangkot sa bribery scheme sa airport na tinaguriang ‘pastillas’ modus.

YOU MIGHT ALSO LIKE