Prosecution witness na nagsabing tumanggap ng pera si Sen. De Lima sa illegal drug trade sa Bilibid, muling iniharap sa Muntinlupa RTC
By Hajji Kaamiño - February 23, 2021 , 5:58 pm

Personal na dumalo si Senator Leila De Lima sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Muntinlupa Regional Trial Court (RTC) Branch 256, sa isa sa tatlong kasong may kinalaman sa ilegal na droga.

Ngayong araw ay iniharap muli ng prosekusyon sa witness stand ang inmate na si Joel Capones, na sinasabing naglalako ng ilegal na droga sa loob ng Bilibid.

Sa pagtestigo ni Capones noong nakaraang linggo, lumabas na March 2014 nang iabot niya ang P1.4 million na quota payment sa drug lord na si Jaybee Sebastian, sa quarters nito na tinawag na ‘Bahay na Bato’ sa selebrasyon ng anibersaryo ng Commando Sigue-Sigue gang.

Nakita umano niya ang noon ay justice secretary, na pumasok sa silid ni Sebastian at narinig ang pag-abot dito ng pera.

Sa sala ni Judge Romeo Buenaventura, ay kinumpirma ni Capones sa korte, na nagbulag-bulagan si De Lima sa illegal drug trade sa loob at labas ng national penitentiary.

Dagdag pa ng inmate, noong inaalok siya na tumestigo ay kinumbinse umano ito ng senator na tumangging humarap, at tinakot na masasampahan siya ng kasong kriminal dahil sa pag-amin sa transaksyon.

Bukod dito, ipinakilala umano siya ni Sebastian sa sinasabing pamangkin ni De Lima na si Jad Dera, at inatasan siyang mag-deliver ng pera tuwing Miyerkules at Sabado.

Sa tulong ni Sebastian, ay nakaranas umano siya ng marangyang buhay sa National Bilibid Prison (NBP), kung saan air conditioned ang kubol, nakabili ng electric scooter o bike, labas-masok na mga bisita, at bentahan at gamitan ng droga sa bilangguan

YOU MIGHT ALSO LIKE