!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
PRRD, tiwala na makakakuha ng sapat na boto si Cayetano para sa pagka-speaker sa Kamara
By Racquel Bayan - July 12, 2019 , 12:19 am

“Wishful thinking”, ito ang maikling tugon ni Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa pahayag ni Davao City 1st District Representative Paolo Duterte na posibleng magkaroon ng kudeta sa Kamara sa July 22 at maudlot ang pag-upo ni Taguig Representative Alan Peter Cayetano bilang Speaker sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Sa ambush interview sa Pangulo, sinabi nito na tiwala siyang makakakuha ng sapat na boto si Cayetano para sa pagka-speaker ng Kamara.

Matatandaan na si Cayetano ang inendorso ng Pangulo bilang speaker sa House of Representatives para sa unang 15 buwan ng 18th Congress.

Makakahati nito sa termino si Marinduque Representative Lord Allan Velasco habang si Leyte Representative Martin Romualdez naman ang tatayong Majority Floor Leader.  | ulat ni Racquel Bayan 

YOU MIGHT ALSO LIKE