!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
QCPD, nanawagan sa iba pang pinalayang convicts na sumuko, matapos ang boluntaryong pagsuko ng 8 iba pa
By Rey Ferrer - September 12, 2019 , 7:12 am

Umapela pa si Quezon City Police District (QCPD) Director P/Brigadier General Joselito Esquivel Jr. sa iba pang convicts na pinalaya dahil sa Good Conduct Time Allowance (GCTA)  na boluntaryo na ring sumuko sa pulisya.

Ang panawagan ng QCPD chief ay ginawa kasunod ng pagsuko ng walong pinalayang convicts sa QCPD.

Kabilang sa mga sumuko ayon kay General  Esquivel ay sina Joselito Fernandez, Rodel Bolo,  Marianito Revillame, Emmanuel Avillanoza,  Joselito Chua, Arthur Alvarez, Angelo Calma at Enrique Rabit.

Iprinisinta din nila sa kanilang pagsuko ang inisyu na Certificate of Discharge mula sa bilangguan.

Boluntaryong nagtungo sa pulisya ang mga pinalayang convicts matapos ang pronouncement ni President Rodrigo Duterte na sumuko ang mga ito sa loob ng 15-araw.

Ilan sa kanila ay may mga kasong murder, frustrated murder, frustrated homecide, rape, illegal possession of explosive at may nahatulan ng habang buhay na pagkabilanggo.

Ilan sa mga released convicts ay nai-turn over na sa Bureau of Corrections (BuCor) habang ang iba naman ay pinoproseso pa ng QCPD.

YOU MIGHT ALSO LIKE