Quezon City General Hospital, nagsagawa ng dry run para sa automated COVID-19 vaccination program
By Rey Ferrer - February 27, 2021 , 10:36 am

Nagpatupad na ng orientation at dry run ang Quezon City General Hospital, kasama ang Zuellig Pharma Corporation para sa gagawing automated COVID-19 vaccination program sa ospital.

Gamit ang app na EzVax, digitalized at magiging centralized na ang pre-screening, at scheduling ng pagbibigay ng bakuna sa mga healthcare worker.

Sa pamamagitan din nito, makikita ang medical history ng pasyente, gayundin kung kailan ito muling naka-schedule sa pagtanggap ng pangalawang doses ng COVID vaccine.

YOU MIGHT ALSO LIKE