Religious groups, paliliwanagan ng PNP ukol sa health protocols
By Leo Sarne - May 26, 2020 , 11:37 am

Makikipag-diyalogo ang Philippine National Police (PNP) sa mga lider ng mga religious groups sa bansa para paliwanagan ukol sa mga health protocol, public distancing, at iba pang regulasyon, na dapat ipatupad sa panahong nagsasagawa ng religious activities.

Ayon kay PNP Spokesprson Police Brigadier General Bernard Banac, ipinag-utos ni PNP Chief Police General Archie Francisco Gamboa sa lahat ng local PNP commanders, na i-orient ang mga religious group sa mga ipinagbabawal ngayong nasa community quarantine pa rin ang halos lahat ng lugar sa bansa.

Pinuri naman ng pamunuan ng PNP ang mga kapatid na Muslim, dahil sa pagsunod sa protocols kahit na may selebrasyon ng Eid’l Fitr o ang pagtatapos ng Ramadan.

Giit ni Gamboa, kinakailangan ngayon ang kooperasyon ng lahat para na rin sa public heath at safety ng mga Pilipino lalot mataas pa rin ang banta ng COVID-19.

YOU MIGHT ALSO LIKE