!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
Rep. Mangudadatu, nanawagan sa Pangulo na itigil na ang military ops vs BIFF sa Maguindanao
By Kathleen Forbes - August 21, 2019 , 9:10 pm

Isang liham ang ipinadala ni Maguindanao Representative Esmael Toto Mangudadatu kay Pangulong Rodrigo Duterte, na humihiling na itigil na ang operasyon ng militar kontra BIFF sa kanilang lugar.

Aniya, marami na sa kanyang mga kababayan ang naapektuhan ng bakbakan.

Ilang negosyo, maging mga pananim ang apektado ng pinaigting na operasyon ng militar.

Hinimok rin niya ang Pangulo, na makiusap sa mga opisyal ng MILF na mamagitan sa pakikipagdayalogo sa mga miyembro ng BIFF.

Aniya, humihina na ang pwersa ng mga ito, at kung kakausapin lamang ay tiyak na isusuko na ng mga ito ang kanilang nga armas.

Simula pa lang ng taon ng magsagawa ng military operations sa Maguindanao para puksain ang teroristang grupo, kung saan ilang sibilyan ay militar na rin ang nasugatan at nasawi.

YOU MIGHT ALSO LIKE